Sabado, Agosto 16, 2014


DIGMAAN SA GITNANG SILANGAN


Simula noong Enero, binulaga ang buong mundo sa kaganapan sa Gitnang Silangan.  Pumutok ang mga popular na pag-aalsang nagpatalsik sa mga diktador ng Tunisia at Egypt, tila apoy na kumalat ang  mga pagkilos na ito sa mga karatig bansa sa Gitnang Silangan at Hilagang Aprika.  Hanggang sa ngayon, patuloy ang mga protesta sa mga bansang Yemen, Saudi Arabia, Bahrain, Syria at iba pa. Ang mga bansang Tunisia at Egypt pa lamang ang matagumpay na napalitan ang namumuno,  sa pamamagitan ng relatibong mapayapang pagkilos ng libo-libong mamamayan sa mga bansang ito. Ang rehiyon ng Gitnang Silangan ay pinaghaharian ng mga oligarkiya ng mga pamilyang Muslim at awtokrasiya. Nariyan ang mga hari o paghaharing dinastiya sa United Arab Emirates (federation of sheikdoms), Qatar, Bahrain, Muscat, Oman, Yemen, Jordan, Kuwait, Saudi Arabia at Syria. Kahit umano magkaroon ng mga eleksiyon, may tendensiyang manumbalik ang mga kaharian ng mga pamilya at  paghaharing medibyal kung saan ang pagtrato sa mga  mamamayan ay mistulang sunud-sunurang nasasakupan. 

Dahil sa mga kaguluhang ito, may ilang bansa na nagdeklara ng state of emergency tulad na lamang sa Bahrain dahil na din sa protesta ng mga mamayan laban sa paghahari ng kanilang pinuno. Isa lamang ang Bahrain sa mga bansang niyayanig ng krisis pampulitika sa rehiyon.

State of Emergency sa Bahrain

Isa sa mga apektado ng kaguluhang ito ay ang mga kababayan natin na nagtatrabaho sa Gitnang Silangan. Malaking bahagi ng kabuuang OFWs ay nasa Gitnang Silangan bilang mga manggagawa sa pabrika, planta, opisina at domestic helpers. Madaling mabuo ang diwa ng pakikiisa ng OFWs sa nakibakang masa doon dahil ang mga ipinaglalaban nila ay siya ring dahilan kung bakit nangibang bayan at iniwan ng mga OFWs ang mga pamilya nila dito sa Pilipinas: kahirapan, mababang sweldo, mapanupil at kurakot ang gobyerno.
Sa gitna ng kaguluhang ito, nasa alanganing sitwasyon ang maraming Pilipino na hanggang ngayon ay nahihirapan makauwi dahil sa kabiguan ng Department of Foreign Affairs at ng embahada ng Pilipinas sa Syria na pangalagaan ang kanilang kapakanan.

Ang kababaihang OFW na nakauwi na sa bansa ay naglahad ng kanilang sinapit sa gitna ng kaguluhan sa Syria. Laman ng kanilang mga kuwento ang hirap sa pagtakas mula sa mga amo, kakulangan ng pagkain, at kawalan ng komunikasyon sa mga mahal sa buhay kahit nasa loob na ng embahada ng Pilipinas.


Mga OFW na humihingi ng tulong sa embahada ng Pilipinas

Laganap ang kaguluhan sa Middle East ngayon, Sa Libya sa Bahrain, at sa iba pang bansa na mayroong pag aaklas. Ang hiling ng lahat ay walang madamay na kababayan nating Pilipino sa gulo ng mga Bansa nasasakupan ng Middle East. Karamihan sa mga kababayan nating naiipit sa magulong Digmaan na nangyayari ngayon sa Middle East ay pawang mga bago lamang sa abroad. Karamihan sa kanila ay gumastos ng malaking pera para lamang makaalis ng bansa. Nakakalulungkot talagang isipin na bawat pilipinong nadadamay sa ganitong pangyayari ay maraming pamilya sa pilipinas ang nag-aalala. Sana naman maging tahimik na ang mga bansang nagkakaroon ng problema ng sa ganon ay patuloy na makapag-trabaho ang mga kababayan nating naiipit sa kani-kanilang lugar. Kaya naman ipanalangin po natin silang lahat na sana maging maayos sila sa kanilang lugar at walang masamang mangyari. Ito lamang ang ating magagawa upang makatulong sa kanila sa panahon ng kagipitan.

1 komento:

  1. The Best Las Vegas Casinos & Gambling Sites in 2021
    Las Vegas casinos have several gambling options available. If you are searching for a reputable gambling 정읍 출장샵 site, you'll have no problem finding What are the best Las Vegas casinos?How old do 논산 출장안마 I 통영 출장마사지 need to be 하남 출장안마 to gamble at Las 목포 출장샵 Vegas casinos?

    TumugonBurahin